#QuaranTHINGSToDo

Jasmine B. Suiza / May 15, 2020

Marami kang time ngayon, no?

Habang #QuarantineLife ang ganap nating lahat, ano ba ang pinagkaka-abalahan mo?


Matulog?

Sa wakas at nakakabawi ka na sa mga araw na puyat ka dahil sa kabusy-han mo.
Ang saya pala ng 7 to 8 hours of sleep or more, no?

Magluto?

Mabuti naman at nagagamit mo na ang mga natutunan mo sa TLE nung High School.
Nakakatakam nga yung mga Facebook stories at posts mo ng mga masasarap na pagkain.

Mag-workout?

Congrats at tuloy ang #summerbodygoals kahit nasa loob ka lang ng bahay.
Online workout muna ngayon habang sarado pa ang mga gym at sports centers.

Mag-bonding kasama ang pamilya?

Marami ka nang oras para mag-catch up sa mga namiss mong pangyayari sa buhay nila.
Mahaba-haba na ang halos 3 months para makapag-kwentuhan uli kayo.

Mag-online games?

Nagpapataas ka ba ng MMR sa DoTA o nagpapa-rank up sa Mobile Legends?
Masayang libangan din yan kasama ang mga barkada.

Mag-movie or series marathon?

Sino ba namang hindi kikiligin sa mga ngiti ni Hyun Bin at Park Seo-joon?
Naiyak ka rin ba sa Hi Bye, Mama?

Congrats at nagagawa mo na ang mga bagay na matagal mo nang hindi nagawa.

Pero, may tanong ako.

Kamusta ang relationship mo kay Lord?

Mas nakakapagbigay ka na ba ng prayer time sa Kanya?
Napapasalamatan mo ba Siya na ligtas at malusog ka at ang iyong mga mahal sa buhay?

Sana, kagaya ng pag-gugol mo ng oras sa mga araw-araw na gawain ay makausap mo din Siya.
Isama mo rin sana Siya sa #QuaranThingsToDo mo.

Nandiyan lang Siya, naghihintay sayo.
At kapag ready ka na, sasabihin lang Niya,
"Tara, usap tayo." :)



Comments

Popular posts from this blog

Man's Rejection is God's Redirection

17 Greatest Blessings of 2017

A Thief Called Comparison (An Update)