Ang Davao Pomelo

Ang Davao Pomelo
Jasmine B. Suiza
March 1, 2022

Ako lang ba yung noong nakatikim na ng Davao pomelo, tumaas na ang standard sa prutas na to?

Yung dati naman nakakatikim ako ng ibang klaseng pomelo e, ok lang, pwede na.
Pero hindi remarkable.

Pero nung nakatikim ako nito nung nagpunta ako sa Davao around 2017, ito na lang yung pomelo na kinakain ko. Maaaring minsan ay maliit, may mga marka, hindi makinis, pero kapag nabuksan at nasubukan, napakatamis at siguradong hahanap-hanapin mo.

Ewan ko ba, pero bakit naisip ko na ang Davao pomelo ay parang si Tatay Digong?

Hindi perpekto sa labas, hindi yung nakasanayan nating "disente" na politiko, pero napakabuti ng loob. At dahil sa pagmamahal nya sa mga Pilipino, pati ako na walang pakielam sa politika dati, ngayon ay handang ipagtanggol sya sa pintas at fake news. Ang klase ng kanyang pamumuno, talagang hahanap-hanapin mo sa susunod na pangulo.

Salamat Tatay Digong. Dahil sayo, masasabi ko na ngayon na, ang sarap maging Pilipino!



Comments

Popular posts from this blog

17 Greatest Blessings of 2017

Man's Rejection is God's Redirection